![]() Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world. She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥ This blog was born: June 11, 2009 |
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO Family Reblogs Conversations Music & Lyrics |
Hindi ba ang gaan sa pakiramdam na nagagawa mo ang mga gusto mong gawin? Nasasabi mo ang mga gusto mong sabihin. Naipaparamdam mo sa mga taong mahalaga sayo na importante sila. At ang sarap sa pakiramdam na buong buo ka, naiibigay mo nang buo ang sarili mo sa mga bagay na ginagawa mo. Andun yung ikaw, andun yung pagmamahal. Let us free ourselves. From everything. Simula sa mga bagay na nagpapalungkot at nagiging dahilan ng pag-iyak natin. Wag natin hayaan na makulong tayo sa isang sitwasyon na masasaktan tayo. Wag natin hayaan na mawala yung sarili natin sa mga bagay na hindi ‘worth it’. Hayaan natin na may mga bagong dumating. Wag tayong magfocus sa iisang bagay lang. Napakadaming magagandang bagay sa paligid. Napakadaming magagandang memory na pwedeng maipon. Wag natin sayangin ang buhay. May choice tayo sa lahat ng bagay. Piliin natin yung makakapagpasaya sa puso natin. Piliin natin yung mga bagay na gusto natin. Ang pagsubok andyan lang yan, araw araw itetest ka. Araw araw susubukan kung hanggang saan ang kaya mo. Mas masarap silang harapin na alam mong buo ka sa sarili mo. Mas magaan silang tanggapin kapag alam mong mas malakas ka kesa sa mga problem. :) Nagsimula ako sa hindi ko siguradong desisyon. Wala akong plano. Hindi ko alam ang gusto ko pero alam ko kung anong ayaw ko. Pero ganon yata talaga. Kung saan at alin ang ayaw mo, dun ka babagsak at wala ka nang magagawa kundi tanggapin at gawin nalang dahil sa mga panahon na yun, wala kang siguradong plano para sa sarili mo at hinayaan mo nalang na iba ang magdesisyon para sayo dahil mas alam nila kung anong makakabuti para sayo. Sa una, mahirap. Mahirap naman kasi gawin ang bagay na ayaw mo pero dahil paulit ulit mo nang ginagawa, masasanay ka na din. Hindi mo pa din gusto pero tingin mo kaya mo naman kaya sige nalang. Pero dadating ka pa din sa punto na magtatanong ka sa sarili mo kung bakit nandun ka sa sitwasyon na ayaw mo? Bakit mo ginagawa yung bagay na ayaw mo? Hanggang sa maisip mo nalang na yung bagay na ayaw mo, yun yung magpapasaya sa mga taong nagdesisyon para sayo at walang ibang inisip kundi yung makakabuti para sayo. Habang tumatagal, kahit papaano, nagugustuhan mo na din. Hindi mo namamalayan, nag eenjoy ka na din. Mararamdaman mo nalang na mahal mo na ang ginagawa mo at ginagawa mo na yun ngayon hindi para sa ibang tao pero para sa sarili mo. Gagawin mo lahat. Titiisin mo lahat ng pagod, puyat, stress. Pagbubutihin mo dahil ayaw mong mawala pa sayo dahil minahal mo na at pinahahalagahan mo na yung dating ayaw na ayaw mo. Pero hindi pa dun matatapos. Dadating pa din minsan yung pagkakataon na mapapagod ka ng sobra, panghihinaan ka, mawawala lahat ng bagay na magmomotivate sayo, may mga problemang dadating na parang hindi mo na kaya at pagsuko nalang yung alam mong gawin. Pagsuko nalang yung gusto mong gawin. Magtatanong ka na naman sa sarili mo kung gusto mo ba talaga? Kaya mo ba talaga? Papayag ka ba na mabalewala nalang yung lahat ng nagawa mo na? Hahayaan mo bang masayang nalang yung pagmamahal at pagpapahalaga na binigay mo? Manghihina ka pero dahil may isang nagmamahal sayo ng bonggang bongga, gagawa Sya ng paraan para hindi ka sumuko. May mga biglang magpapalakas ng loob mo. Marerealize mo na hindi option ang sumuko. Hindi porket pagod ka na, titigil ka na. Andun ka na, malapit ka na, bakit babalik ka sa simula kung mas malapit ka na sa dulo? Kailangan mo lang maging matatag at magtiwala na sa lahat ng pagsubok, HINDI KA NAG-IISA. Mas madami ka pang kayang gawin para makadating sa dulo at matupad lahat ng pangarap mo kesa bumalik sa wala. Hindi ba nakakatuwang isipin na pagdating mo sa dulo makikita mo yung resulta ng lahat ng pagod at pagtitiis mo? Hindi ba ang sarap isipin na nakarating ka sa tagumpay at nalampasan mo ang napakaraming problema? Hindi ba nakakatuwang isipin na pagdating mo sa dulo may panghahawakan kang isang bagay na hindi lang makakapagpasaya sa sarili mo pero dobleng/triple pang saya para sa mga taong nagdesisyon at walang ibang inisip kundi yung makakabuti sayo. :’) Love Phobia ♥
Basta Korean Movie, never pa na hindi ako umiyak. Grabe lang nailuha ko kanina habang nanonood ako. Yung isang tao na maniniwala sa lahat ng sasabihin mo at gagawin lahat ng gusto mo para lang makita kang MASAYA. Yung taong hindi susuko kahit ilang beses kang mawala nalang at tatanggapin ka ulit ng buong buo kapag bumalik ka. Yung taong mamahalin ka lang. Positive vibes all the way.
I am doing better than I thought. Bad things happened. I get mad. I get so emotional. I can’t control my feelings that it’s turning me into a monster. I get easily pissed! I do things that I regret eventually. I curse people! Situation getting worst. You know what the best part is? It’s when, you released all your emotions and you realized that you are wrong and at some point you also realized that you did the right thing and you learned from it. You can actually be proud of yourself that after all the things that happened, you’re still breathing and you have the chance to be better. Have the chance not to do it again. Have the chance to change things and live a life that you always wanted. :) Positive vibes all the way. Some good things are never lasts. Treasure the past. Enjoy the present. Look forward to the future. Goodnight everyone! Happy heart! ♥ :)
Required ba sa mga FOLLOWERS na ilike at padamihin ang notes ng bawat post mo dito? Grabe lang? Yun lang rason nyo kung bakit kayo nagbablog? Dumami at masigurado na binabasa ng mga followers yung kada post mo? At kapag walang notes sa post mo magrereklamo ka na,na nawala na yata followers mo. na hindi nila binabasa posts mo? Pag ba followers OBLIGADO na mag like at magbasa ng lahat ng posts ng ifofollow nila? OA nyo naman. Pag madaming notes, famous na. Pag walang notes, loser ka? Hahahaha! Mga NAKAKAHIYANG BLOGGER! Blogger tawag nyo sa sarili nyo? Hindi ba PAPANSIN/PASIKAT/PAFAMOUS? It’s time you stopped hiding from life, and said yes to the adventure of being alive. Enough of the routine already. Go on, have an adventure, - do what you always wanted deep within your heart. Do what brings you alive, and the universe will open doors where there were only walls. Horoscope for today.
It’s useless when you want to move on but you’re stuck right where you started. |