![]() Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world. She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥ This blog was born: June 11, 2009 |
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO Family Reblogs Conversations Music & Lyrics |
Nakakamiss na sila! :) Group A during our community duty. Iba’t-ibang uri ng Clinical Instructors.
Hindi mawawala ang mga Clinical Instructors sa buhay ng isang Nursing Student. Variety din sila. Iba’t-iba ng ugali, kilos, pananamit. Pero aminin nating lahat, natuto tayo dahil sa kanila. Dahil sa mga sermon, kwento at minsan eh pagpapahiya narin sa atin. Eto ang iba’t-ibang CI na nakilala ko sa apat na taon ko sa Nursing.
Mostly yan ang napansin ko sa mga Clinical Instructors ko. May mga kanya-kanyang katangian, kanya-kanyang charm at kanya-kanyang galing. Bukod sa mga ugali nila, wag rin sana nating kalimutan ang mga natutunan natin sa kanila. Sila pa rin ang nakatulong sa atin na maging isang mabuting (soon-to-be) Nurse. :) (via helloperidol) Ever DYNAMIC Instructors.
TATAY MENDI Sir Anastacio Mendizabal Jr. Ang tatay ng lahat ng nursing students ng LPU-Batangas nung time ko. Di ko lang alam kung andun pa din si Sir e. Nung una, ayoko sa kanya. Basta. Ewan ko. Pero habang tumatagal, na kasama namin sya araw araw sa classroom. Dun, minamahal na namin sya ng sobra sobra. Palagi nya kami minomotivate para mag-aral ng mabuti. Pinaramdam nya samin na gusto nya na lahat kami sabay sabay makagraduate at maging RN. Lagi nya kami tinutulad sa palay at ipa. HAHAHA. Basta. MAHAL NA MAHAL namin si Sir. Ibang klaseng TATAY to. Kung kami na mga estudyante lang nya grabe na yung concern nya, lalo na siguro talaga sa mga tunay na anak nya. :)) I miss you Sir! :))) SALAMAT PO.
Mam Doce. Isa din sya sa pinakamamahal ng section namin. Paulit ulit nya sinasabi samin na mag-aral kami ng maayos. Kahit na palagi kaming tutulog tulog habang naglelecture sya. Sinasayawan nya kami para lang magising kami. Lagi din nya kami, minomotivate. Tinatakot na baka may maiwan. Kundi dahil sa kanila, hindi kami makakagraduate ng sabay sabay. :) Dean Pring. The ever dynamic. HAHA :) Mam Amponin. Thesis Adviser. Whooooa! Buti nalang sya adviser namin, di kami masyadong nahirapan sa thesis at sobrang minomonitor nya kami. :) Productive.
Masipag ako today! Malapit na malapit ko na matapos yung book. Kailangan ko na kasi talaga syang tapusin hanggang bukas. Ako na nagbibigay ng deadline sa sarili ko sa mga kailangan kong gawin at tapusin. Hindi na kasi ako nag enroll sa review center para sa December. Self review nalang ako. Naexperience ko na magreview center and feeling ko/makapal ang mukha ko na magsarili nalang. :)) Bakit?
SPO
Good morning! :) Hindi makaget over sa graduation? Hahaha. I just got these graduation pictures yesterday in the Alumni Office. LOL at my face when I was receiving my diploma. Overjoyed? :D Ang laki ng tawa ooh. Pero bumawi naman ako pagbaba ng stage. ANG GANDA KO. :) HAHAHA! :p
After four loooong years. I finally got my COLLEGE DIPLOMA! Congratulations to me and to all my batchmates! ;)
Dedication and Pinning Ceremony. April 13, 2011 at Lyceum Of the Philippines University- Batangas. Time Check: 1207AM/April 13,2011
Dedication and Pinning Ceremony na mamaya! :) Eksayted ako? Oo. Di pa ako natutulog kahit na kelangan kong gumising ng 530 ng umaga para mag ayos kasi ang layo ng Batangas at andito ako sa Laguna ngayon. Yehey! Masaya lang ako. At walang paglagyan ang sobrang saya ko. Apat na taon. Ang laking hirap ng magulang ko para mapagtapos ako at maibigay lahat ng gusto ko. Sobrang saya lang. Kasi eto na oh. Makakapagpatapos na sila ng isa. APAT nalang! hahaha! Nakakatuwa na kasama ko sila pareho mamaya. Wala man akong award katulad nung elementary ay hayskul ko. Alam ko na masaya sila dahil may naipama na sila sakin. :) HAHAHA. Thank you Mommy at Daddy/Tatay. Grabe. Naiiyak ako. Hindi sapat na mag thank you lang ako sa lahat ng pagod nyo para makapag aral kami. Para maging ganito ang buhay natin. Madami tayong pinagdaanan pero nanatili kayong magkasama at matatag dahil sa pagmamahal nyo samin. Hindi tayo mayaman. Pero sobrang maipagmamalaki ko na KAYO ang naging magulang ko. NAPAKASWERTE NAMING MAGKAKAPATID dahil kayo yung ibinigay samin ni GOD.
Mommy, I love you po. Sobrang mahal na mahal kita at sobrang thank you po. Sa pag-aalaga sakin. Sa pagbebeybi sakin kahit college na ako. Alam mo yung kapag nagtetext ka na “Bebe, kumain ka na? Wer ka na?” Kinikilig akooo. Hahaha. Kahit na sumpungin ka at mahilig ka mandamay ng inis mo. Sobrang masaya ako na ikaw ang naging Mommy ko. Ang swerte namin. Gumagawa ka ng paraan para maibigay samin mga kelangan at luho namin sa buhay. Kahit na napapagalitan ka na ni Daddy. Thank you po mama! Para sa inyo ni Daddy to.
(Unang picture ni Mr. Fitz!) Daddy, :p Alam ko ata alam mo naman na magka-away talaga tayo. Pero NOON yun. Sobrang saya ko nung nag college ako. Ewan ko. Parang mas naging malapit ako sayo. Kulang ka lang pala talaga sa lambing. Hahaha. Ang arte mo kaseeee. Daddy/Tatay! Salamat. Sa pagising mo ng madaling araw para ihatid kami sa Batangas. Kahit na pagod na pagod ka na. Kahit na hindi naman kami nagsasabi na ihatid mo kami, di mo kami matiis. haha :) Sobrang mahal kita Tatay! :) Idol nga kita e. Ang diskarte mo kasi. Tapos, ewan ko. Mayabang ka. Maligalig ka. Pero nakakatuwa ka din minsan. Lalo kapag nag iisip bata ka na? hahaha :p Hindi ko alam kung pano ako makakabawi sa inyo ni mama sa lahat ng sakripisyo at pagod nyo para makatapos ako. Pero pinapangako ko po, MAKAKABAWI AKO SA INYO at AALAGAAN KO KAYONG DALAWA. :) Kayo ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Mahal na mahal ko po kayo. :) Thank you GOD. :))) CASE FORMS.
Bwisit kaaa! Joke lang. Pero bwisit ka naman talaga. Alam mo yun. Madaming ink ang nasasayang at punong mapuputol dahil sa papel na nasasayang dahil sa paiba iba ng format mo. Ang liligalig. Namaaaan! At alam mo kung ano pa masakit? MASAKIT KA SA MATA. MASAKIT KA SA LIKOOOOD. Ang sakit mo sa ulo i-edit!! Masakit ka din sa bulsa alam mo yun? Ang mahal ng print at ng pamasahe ha. Nakooooo. Akala ko matindi na ang thesis. Grabe ka. Mas madami akong hahabulin na Clinical Instructor at Chief Nurses para mapapirmahan ka. Ugh! Napapagod din kami. At ipapaalam ko sayo, busy akong tao. Kaya PLEASE lang. MAKISAMA KA HA? Papirma ka nalang ng papirma. Kung may mali sayo, I-edit mo na sarili mo. ha?? ;) HAHAHA! Nagmamahal, Seniors ;) Nababaliw akoooo. Obyus! HAHAHA. @_@ |