Shots & Thoughts

REGISTERED NURSE ♡
Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world.
She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥
This blog was born: June 11, 2009
|
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO
Family
Reblogs
Conversations
Music & Lyrics

1/9 »
Room 408

Habang nagmomonitor ako ng blood transfusion yesterday sa room 408 andun yung relatives nung patient ko. Apo siguro yung isang girl na feeling ko is grade 3 or 4. Tapos yung Tita nya ata tapos Kuya nya na RN pero hindi nagwowork sa hospital tapos isa pang Nurse. 

Tita: Kay, magvocational ka nalang pag college mo.
K: Ayoko nga. Gusto ko Professional.  
Kuya: Gusto mo Doctor?
K: Hindi. Mahirap yun. 
Nurse: Gusto mo din maging Nurse? 
K: (Pasigaw na mabilis) AYOKO NGA! WALANG TRABAHO YUN!! 

Natawa nalang kaming lahat sa loob ng room. Grabeng bata to. Nakakasakit masyado. Pero totoong totoo ang sinasabi nya. Nakakaloka. :) :p  
 

May/12/2012 with 3 notes


Sleep over at Jaja’s place :) 

April/28/2012 with 5 notes


IVT Training on Instagram :)

Attended a 3day IV Therapy Training with my classmates at MMMC. Nakakatuwa lang dahil most of the participants came from Lyceum. :)

Excited ako the day before ng first day ng training. As in super. Pero nung first day na, grabe. Halos sumabog yung utak ko kasi maghapon yung lecture tapos 15 minutes lang yung lunch break, tapos lecture na ulit. Halos tinapos yung napakakapal na handouts. Hindi na ako sanay kaya pagkatapos nung lecture ng 6PM, halos di na ako makagalaw sa jeep sa sobrang pagod nung pauwi na ako. Pagdating ko ng apartment nag dinner na ako tapos aral naman for post test the next day. 

Second Day. 

Konting lecture sa umaga at demo ng mga gagawin namin for the third day. Post Test after ng lunch break at drill ng gagawin sa last day. Maaga kami pinauwi para daw may time kami para pag aralan yung 13 procedures na irerecite namin sa last day. 

Nag sleep over kami kina Jaja kasi taga Lipa sya saka 6AM kasi yung call time namin  for the last day. So ayun. Pagod pa din kami paguwi ng bahay. Nag memorize ng procedures till 12 midnight. 

LAST DAY. 

6AM nagstart na yung demo. Ang saya lang kasi kahit nung gabi ko lang nabasa yung procedures, nakarecite pa din ako with perfect scores. HAHAHAHA!! :) 

Ang masakit lang dito, yung ONE ON ONE IV Insertion. Nakapag insert naman ako kagad sa partner ko. Kaso yung partner ko, naleft and right ako. Masakit lang. E first time ko kasi matusok nun. Pero keri na din. :)) 

April/28/2012 with 4 notes


Presenting The Ampalaya Girls of BSN 4-9 Group A Batch 2011. :) 

Presentation ng group namin to nung Christmas Party namin nung 4th year. Actually, trip trip lang to kasi kami lang naman nagpresent nun. Haha! 

Yung song? Original composition namin at kinompose namin yung habang nasa van kami pabalik ng Batangas galing sa isang linggong Manila duty. Ang alam ko nalang, may biglang nagsalita sa mga groupmates ko na “Nakakamiss na daw kumiss.” Hindi ko alam, pero ako yata yun! Haha! Chos! :) So ayun, dahil mga mabeberde ang utak namin, puro kabastusan yung lyrics!! Super saya namin noon sa van. As in lahat kami, buong group tulong tulong sa kabastusan at kumakanta simula Manila hanggang sa makarating na kami sa Batangas :)) 

Nakakamis kayoooo! Group A! :)  


Ngayon, masasabi ko na talaga, I SURVIVED NURSING! :)

Sobra sobra ang nararamdaman kong saya ngayon! As in super! Hindi ko alam kung paano eexplain yung nararamdaman ko pero syeeet! Lutang na lutang pa din ako. :)

Pagising ko, hindi ako kinakabahan. Hindi ko iniisip na lalabas ang result. Parang wala lang. Tanghali na hindi pa din ako kinakabahan. Naglunch kami ni Mama sa Mcdo, kumain ako ng double cheeseburger. Pag uwi ko, hindi pa din ako kinakabahan hanggang mapansin ko na mag 3PM na! Naisip ko, Syet! ORAS NALANG!! Dun na ako nakaramdam ng kaba. Pero di pa din super super kaba. Normal lang. Akala ko pa hindi marerelease ngayon kasi iba iba na yung pinopost ni Sir Carl. Medyo nawala na yung konting kaba ko nang biglang nagpost si Sir CARL, "It’s OUT." Dun na nanlamig yung mga kamay ko, hindi na ako makatayo sa upuan ko, naiihi na ako, naeewan na ako, naiiyak na ako talaga! Walanjooo!! Kung ano ano na naiisip ko na baka wala pangalan ko dun! Grabe!!! Naiiyak na talaga ako, nagdadasal na ako, umiiyak na ako kahit di ko pa nakikita yung result. Pinapakalma lang ako ni Palits kasi super naghahabol na ako ng hininga. HAHAHAHA!! OA! Tapos ang tagal tagal pa bago na post yung sa letter M!!! Juskoooo!!! Ang tagal ng ikinaba at iniiyak ko na. Nauna ko pang natingnan kung pasa mga kaibigan ko. Tapos nung M na, SYEEEEEEEETTTTT!!! Umiiiyak na ako. Ctrl+F. Ayoko sana gamitin kasi natatakot ako na baka ‘no results found’ ang lumabas, pero ewan ko. ginamit ko din. Marquez! E ang daming marquez!! Tapos nakita ko na pangalan ko, chineck ko pa kung ako talaga yun. HAHAHAHA! MARQUEZ, IVY ROCHELLE ENDAYA. AKO TALAGA YUUNN!!!! Sumigaw na ako! Sigawwww talaga! Tapos tumawag na ako kay Mama! Umiiyak ako. GRABE!!!! SYEEEET! Di ko maexplain! Ang saya lang!!! Super nagpapasalamat ako kay GOD. Sobra sobra sobra talaga. Hindi Nya ako iniwan. HINDI TALAGA! :))) 

Registered Nurse na ako. ANG SAYA KO! :)  

February/17/2012 with 13 notes


Registered Nurse na ako!

February/16/2012 with 39 notes


Dahil pasaway talaga kami, nag inom kami sa dorm kahit bawal. :D 

Thursday night yun, last day ng duty namin kasi Friday babalik na kami ng Batangas. 9PM natapos yung duty, at bago kami umuwi, nagpadaan kami sa driver namin sa 7/11 yata para lang makabili ng iinumin namin. Party party!! HAHA!

Buong duty namin, wala kaming ibang pinagpaplanuhan kung paano namin bibilhin yung alak. Paano namin ipapasok sa dorm na hindi kami nahuhuli. Paano kami magpaparty nang hindi kami aakyatin ng CI namin or kung sino mang tao sa dorm. 5th floor kami nun, kaya sige na. Lakas talaga ng loob namin nung time na yun! Hahaha! So ayun, party all night hanggang sa nalasing AKO at si Annie. :)

Ang saya langgggs!! Masarap gawin ang bawal. :D  

February/1/2012 with 3 notes


Low quality photos. I know. 

Namiss ko na naman kasi yung college life ko. Ho ho ho! Madalas ko maalala ngayon yung mga panahon na student nurse ako. Nagduduty, pero madalas sa mas madalas, nagkukwentuhan, nagbabarahan, nagkukulitan, nag-iingay lang kami ng mga groupmates ko lalo na kapag sa Manila ang duty namin. Kaya asahan na na pagbalik namin ng school the following week, yari na naman kami sa department kasi nireport kami ng CI namin sa Manila. :)) :D :pp HAHAHAHA!! 

Kami na maingay at maingay at maingay pa din! Hahahaha :ppp

Eto yung kulitan namin nung nagduty kami sa Philippine Children’s Medical Center. :)) 

February/1/2012 with 2 notes


roastedbeanandwater:

Souvenir photo from last week’s duty in Philippine Orthopedic Center. ;)

I saw different orthopedic cases. Cast applications and different tractions. YAY. I just can’t imagine myself with those BAKALS in my bones. :| hahaha. 

Gray Uniform. White Stocking. White Shoes. Apron. Cap. Name plate. Hair net!! 
Nakakamiss mag duty! :)  

January/26/2012 with 4 notes
Source: roastedbeanandwater



roastedbeanandwater:
GROUP A :))) dutymates.

while heating the urine samples.

roastedbeanandwater:

GROUP A :)))
dutymates.

while heating the urine samples.

January/26/2012 with 3 notes
Source: roastedbeanandwater