Shots & Thoughts

REGISTERED NURSE ♡
Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world.
She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥
This blog was born: June 11, 2009
|
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO
Family
Reblogs
Conversations
Music & Lyrics



1/5 »

Minsan lang kasi kami magkasama sama ng ganito na magpipinsan. Yung iba kasi may mga asawa na. Nagwowork. Nasa Manila. Nasa Laguna. At nakakatuwa na kahit di kami ganon magkakasama lagi, super fun fun fun pag nagkita kita. Gawin natin madalas ang mga ganitong event! :)) 

April/22/2012 with 1 note



Meet my adorable pamangkin Gabby and Cyle! Ang cute cute nila. Love na love nila na pinipictyuran sila at super wagas ang tawa ko habang nagpipictyur! :)

Meet my adorable pamangkin Gabby and Cyle! Ang cute cute nila. Love na love nila na pinipictyuran sila at super wagas ang tawa ko habang nagpipictyur! :)

April/22/2012 with 5 notes


Happy Birthday Inay! Surprise!! :)

April 21.2012:  Surprise dinner party for my grandmother’s 70th birthday!

Tumawag si Ninong ko kay Mama a week before ng birthday ng Inay kasi nalito sya kung kelan ang birthday ng lola ko. Tapos nun, bigla nila naisip na isurprise ang Inay. Tumawag si Mama sa tito ko na panganay sa kanilang magkakapatid tapos yun. Nagplano na sila.

Umuwi kami ng Batangas tapos dun kami dumeretso sa bahay ng Tito ko kasi sabay sabay kami pupunta sa bahay ng lola ko. Mga 5pm na, inaayos na nila yung mga pagkain at hinihintay mga pinsan ko na dumating kasi binili nila ng damit lola ko. Mga 6, sabay sabay na kami pumunta sa lola ko. Sunod sunod yung mga sasakyan mula panganay hanggang bunso. Hahaha!! Nakakatuwa lang. Tapos pagdating namin dun, ang dami namin. Nasurprise si Inay!! Sunod sunod kami pumapasok sa bahay nila, mga anak at apo. Hahaha!! Sumikip sa loob ng bahay kahit ang laki ng bahay ng Inay. :))) 

Ang handa ni Inay! :) 

After ng magulong kainan, magulong pictyuran naman!! Ang tagal ng picture session!! Daming anak at apo ee. Sayang lang kasi wala sina Mama Marlyn. Nasa Nevada kasi buong family nila. :))

Nagagandahan at nagagwapuhang apo ni Inay. Proud to say lahat kami maganda at gwapo!! Gandang lahi! Bwhahahahahaha!! :))) 

A birthday kiss from my Mamay (Lolo). 

We love you Inay. Sana napasaya ka namin ng bonggang bongga sa iyong kaarawan! Sa birthday naman ni Mamay! At sana kumpletong kumpleto na tayo. Sana matuloy pag-uwi ng mga Tita ko. :) 

April/22/2012 with 1 note


April 14, 2012 

Stolen shot by my sister. The lovely flower arrangement. Wedding reception. Wedge. :) 
Cousin Kuya Jobert. Ninong Greg. Mom and Dad. Beautiful cousin Antonniette with her Mom. :)

April/16/2012 with 6 notes


Siblings. ♥

Palusugan lang? Kulang pa ng isa to kasi hindi kasama yung bunso namin na 9mos palang. :) 

Nakakatawa lang si Ariana kasi nakaupo sya sa gitna namin ni Joy tapos may hawak syang tinapay nun. Tapos ang ingay ingay pa nya kasi ang bilis ni Daddy magdrive. Sinasabihan nya si Daddy na magdahan dahan kasi daw nahuhulog sya. Tapos pagtingin nalang ni Joy, nakatulog na sya. Super napagod siguro kasi ang likot likot nung andun kami sa lola ko. :) 

Simple joy!   :) 

April/7/2012 with 2 notes


Ariana vs Mommy. So Mommy? Kanino mas bagay ang shades? HAHAHA! Feel na feel ni Ariana! :)) :p 

April/7/2012 with 3 notes


Saturday spent well with the family. :) 

We went to Batangas yesterday with my family. Si Daddy my pinuntahan birthday party ng pinsan nya. Si Mama naman sa dinner party ng wedding ng pinsan ko. Since hapon pa naman yung kay Mama, dun muna kami nag stay sa grandparents ko on my father side. :) 


Tita Genie (blue shirt), Ate Irish (gray), Me and Baby Shey! :) Lahi nalang siguro namin yung magaganda. Hahaha! :D 

Bulilits. Why sooo cutiepatootie! Sila yung mga bagong generation. My sister Ariana on the upper left part. My niece baby Shey (9mos) on the bottom left. And Batoots  :) Sayang wala yung baby brother ko. Naiwan dito sa bahay. :) 

Ariana and Batoos playing with Izza’s oil pastels :) 

April/7/2012 with 5 notes


19th more like 18th. :)

February 23,2012. 

Umuwi ako ng Batangas since birthday ng sister ko. May pasok sya kaya di sya pwede umuwi dito sa bahay. Naawa naman ako kasi birthday nya tapos walang kapamilya kaya sabi ko uuwi ako tapos sa apartment nalang nila ako ulit matutulog. Friends ko na din naman yung mga classmates nya kasi nagstay na ako dun nung final coaching ko.   

Nagorder nalang si Mama ng Lasagna at Cordon Bleu sa Ninang ko. Ang plano kasi nila magluluto nalang sila e 8:30PM pa tapos ng class nila so nagpaluto nalang si Mama. Sulit na sulit naman yung P1900. Super dami nung Lasagna at super sarap talaga. :) 

Ang sweet ng friends nya, nagpabili sila ng cake sakin. Bibili na din sana ako nung nasa SM ako, kaso naisip ko ang dami na nag pagkain baka hindi na maubos kaya di ako bumili. Pero pagdating ko apartment, saka sila tumawag sakin at nagpabili. So bumalik ako ng SM. Kaloka pa kasi bago ako bumalik nakatulog muna ako. Tapos sila naman 4PM palang labas na. Nagpunta din sila SM e sakto papunta na din ako. Kaya dali dali ako kasi baka magkasalubong kami ng kapatid ko. :) 

FRIEND. Yun kasi tawagan nila. Pati ako friend din tawag nila sakin. Ako din nakikifriend na sa kanila. Haha! Ang kukulit lang ng mga to. Sobraaa! As in! Masaya kasama. From 7pm - 12midnight, derederetso ang pagkain namin. Grabe lang. Ang tatakaw. Habang yung iba naman naglalaro ng temple run. :)

Pancit galing sa caretaker ng apartment nila. ang kyoot lang kasi pinagluto pa nya sister ko. :) 

Luisa and Grace dancing Teach Me how to Dougie and Superbass!! Hahahahaha!!! 

Sabi ko sa kanila, ang swerte nila. Hindi kasi naghahanda si Joy pag birthday nya. Magkasunod kasi ng birthday si Daddy at si Joy kaya madalas isang handaan nalang. Never nag invite to ng mga classmates nya dito sa Laguna. As in kahit may ibang okasyon, di sya nag iinvite. Ayaw daw nya ng may iniintindi. Haha!! 

Pero nakakatuwa lang kasi talaga tong mga kaibigan nya na to. Masasaya kasama, no dull moments talaga. Ako nga, mabilis ako nakasakay sa mga trip nila. Nakakatuwa lang.

Feeling ko talaga, yun na yung pinakamasayang birthday ng sister ko. Sabi nga nya, 19th more like 18th. Masaya magcelebrate kasama ang mga kaibigan mo. Masaya magcelebrate na alam mo na masaya din sila para sayo. :)  

February/26/2012 with 4 notes


January/26/2012 with 21 notes


Happy 2nd Bebe Ariana. :)

Happy happy birthday Bebe Ariana! Two years old ka na. Akalain mo yun, 2 years old ka palang e ang laki laki mo. Kahit na super kulit ka. Kahit na super maldita mo, at mas malandi ka pa sakin kahit na ang liit liit mo pa, love na love ka namin. 

You will always be our baby girl. :))

September/12/2011 with 3 notes