Shots & Thoughts

REGISTERED NURSE ♡
Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world.
She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥
This blog was born: June 11, 2009
|
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO
Family
Reblogs
Conversations
Music & Lyrics

1/7 »
Rainy Monday.

Good evening everyone! Umuulan pa din. Pagising ko palang umuulan na. Gabi na umuulan pa din. Broken harted kaya ang langit? Walang tigil sa pag-iyak. Haha! Chos! :D 

Katulad pa din ng araw araw ko. Tambay pa din ako sa aking mahal na mahal na kwarto. Walang ginagawa. Internet lang. At tutal naman tapos na yung exam ko, naisip ko at sinipag na akong basahin yung book na hiniram ko kay Anne. Nahihiya na ako. Ang tagal ko na nahiram to hindi ko pa din natatapos hanggang ngayon. Pero tatapusin ko na sya basahin ngayon para ibang book naman! Gusto ko talaga yung The Hunger Games Trilogy!! :/ Penge pambili Mommy? :D :) ^_^ Haha! 

—-

Napapaisip na din ako kanina. Ano na kayang gagawin ko sa buhay ko? Nakakapagod na din kasi talaga tumambay at walang ginagawa. Gusto ko na magtraining. Kaso isang hospital palang napasahan ko ng resume tapos baka sa next batch pa ako. E ang tagal pa nun. :/ 

Pero siguro tatapusin ko nalang nga muna yung IVT ko sa April tapos saka ako magpapasa ng resume ulit. Ang tagal pa din nun. Last week pa ng April. Ay nako Ivy! Galaw galaw na! Magpapasa na ako ng resume NEXT WEEK! :p Hahaha! :D 

—-
Feel ko lang yung bangs ko :p :)  

March/26/2012 with 8 notes


UST </3

First time ko sa UST kahapon. Hindi ko nga alam kung sa NMAT ako excited nung isang gabi o mas excited ako na sa wakas makakapasok na ako sa campus ng dream school ko. 

Chinarge ko pa yung battery ng camera ko kasi sabi ko, gagawa ako ng photo posts about my first time. At mag pipicture ako dun sa may malalaking UST na letters dun. Kaso after ng exam, alam mo yung wala na akong energy. Drained na drained. Ang aga ko gumising, wala akong matinong lunch kasi sobrang napuno yung mga kainan tapos 1 hour lang yun lunch break, at ang hirap ng part 2. Kaya after ng exam, diretso uwi na ako. 

Nalungkot ako ng konti pagdating ko dito sa bahay. Hindi ko man lang naexplore yung UST. Tanggap ko na na hindi na ako makakapag Med dun. Sana man lang nalibot ko yung campus. </3 

March/26/2012 with 3 notes


Med-spiration.

Kahapon habang nakaline kami at naghihintay kami papasukin ng building, sobrang natutuwa ako sa dami ng NMAT takers. As in. Hindi ko inexpect na ganon kadami yung interested mag Med. Ang dami dami dami dami talaga. Tapos mas nakakatuwa pa na ang gagwapo ng mga future doctors! HAHA! Busog na busog mata ko sa kanila. Lalo tuloy ako na inspire mag med. E kung ganon ba naman kasi kagagwapo makakasama mo araw araw diba? Pag di ka naman sinipag mag-aral! :) :”> Landi ko lang diba? HAHA! Charot lang. :) 

March/26/2012 with 5 notes


March 25, 2012.

NMAT day. 1:30AM, gising na ako. 3AM umalis na kami dito sa bahay tapos nakadating ako sa UST ng 5:30! Ako naaa! Ako na excited. Takot lang talaga ako malate. :D Pero ang tagal pa din naman bago kami pinapasok ng building at ng testing room. 

How was the exam? Mahirap. At hindi ko maintindihan kung bakit ang OA ng pagsakit ng batok ko na hanggang ngayon masakit pa din. Medyo okay yung Part I. Habulan lang talaga sa oras. Pero yung Part II, ang bilis ko nakatapos kasi major major panghuhula ang ginawa ko, halos hindi na nga ako nagsolve sa Physics at Chem. E hindi ko talaga alam kung paano isosolve. Haha! Di ko man lang nagamit yung scratch! :D Tapos, inatake pa ako ng sobrang antok na naman habang nag eexam. Gumuho tuloy pangarap ko mga UST. HAHA! :) 

March/26/2012 with 9 notes


Hindi pa din nababago study habit ko. CRAMMING! :) Ho ho ho. Nagstart ako mag-aral last month pero mga 2-3 days lang yata yun kasi nung nasa MATH part ako, talagang hindi kinakaya ng utak ko kaya tinamad ako. Pero ngayon, hindi na pwede tamadin. may 2 days pa ako para mag-aral. Biology,Physics,Social Science, Chemistry, plus the Part I na Quantitative Reasoning! Haha. Goodluck nalang talaga. :) 

Kaya ko ‘to. AKO PA! :D :p 

March/23/2012 with 6 notes


First of March.

A very productive start of the month. I started answering the practice sets for NMAT!! Nakakaloka yung first parts pero mas naloka ako nung nasa Quantitative Reasoning na ako. Sabaw na sabaw yung utak ko na hindi ko alam kung paano ko sasagutan yung mga equations. Nakalimutan ko na lahat nung highschool. Pero nakakaenjoy din na napapagana ko na ulit tong kinakalawang ko nang utak. Aral aral din. Balik highschool ang peg ko ngayon. :)

Bongga! Hindi wala lang ang unang araw ng buwan ko. Hindi katulad ng mga nakaraang araw, linggo, buwan na paulit ulit nalang ang ginagawa ko. Tambay, internet, mga walang kawenta wentang bagay. Busy busyhan! Yes naman! :) 

MASAYA AKO NGAYON :) 

March/1/2012 with 3 notes


Weird lang.

Ayokong ayoko kasi magtake ng Nursing noon. Umiiyak na ako kay Mama nun para pilitin na ibang course nalang. AYOKO KASI TALAGA MAGING NURSE! Pero habang tumatagal naman ako, naenjoy ko na din yung mga duty kaya sige na. Tapos after graduation, habang nagrereview classes ako, nagising nalang ako na gusto ko na maging Doctor. HAHAHAHA!! Muntanga lang kasi. Labo e. :))) 

February/22/2012 with 2 notes


Ngayon, masasabi ko na talaga, I SURVIVED NURSING! :)

Sobra sobra ang nararamdaman kong saya ngayon! As in super! Hindi ko alam kung paano eexplain yung nararamdaman ko pero syeeet! Lutang na lutang pa din ako. :)

Pagising ko, hindi ako kinakabahan. Hindi ko iniisip na lalabas ang result. Parang wala lang. Tanghali na hindi pa din ako kinakabahan. Naglunch kami ni Mama sa Mcdo, kumain ako ng double cheeseburger. Pag uwi ko, hindi pa din ako kinakabahan hanggang mapansin ko na mag 3PM na! Naisip ko, Syet! ORAS NALANG!! Dun na ako nakaramdam ng kaba. Pero di pa din super super kaba. Normal lang. Akala ko pa hindi marerelease ngayon kasi iba iba na yung pinopost ni Sir Carl. Medyo nawala na yung konting kaba ko nang biglang nagpost si Sir CARL, “It’s OUT.” Dun na nanlamig yung mga kamay ko, hindi na ako makatayo sa upuan ko, naiihi na ako, naeewan na ako, naiiyak na ako talaga! Walanjooo!! Kung ano ano na naiisip ko na baka wala pangalan ko dun! Grabe!!! Naiiyak na talaga ako, nagdadasal na ako, umiiyak na ako kahit di ko pa nakikita yung result. Pinapakalma lang ako ni Palits kasi super naghahabol na ako ng hininga. HAHAHAHA!! OA! Tapos ang tagal tagal pa bago na post yung sa letter M!!! Juskoooo!!! Ang tagal ng ikinaba at iniiyak ko na. Nauna ko pang natingnan kung pasa mga kaibigan ko. Tapos nung M na, SYEEEEEEEETTTTT!!! Umiiiyak na ako. Ctrl+F. Ayoko sana gamitin kasi natatakot ako na baka ‘no results found’ ang lumabas, pero ewan ko. ginamit ko din. Marquez! E ang daming marquez!! Tapos nakita ko na pangalan ko, chineck ko pa kung ako talaga yun. HAHAHAHA! MARQUEZ, IVY ROCHELLE ENDAYA. AKO TALAGA YUUNN!!!! Sumigaw na ako! Sigawwww talaga! Tapos tumawag na ako kay Mama! Umiiyak ako. GRABE!!!! SYEEEET! Di ko maexplain! Ang saya lang!!! Super nagpapasalamat ako kay GOD. Sobra sobra sobra talaga. Hindi Nya ako iniwan. HINDI TALAGA! :))) 

Registered Nurse na ako. ANG SAYA KO! :)  

February/17/2012 with 13 notes


Love Phobia ♥

Basta Korean Movie, never pa na hindi ako umiyak. Grabe lang nailuha ko kanina habang nanonood ako. 

Yung isang tao na maniniwala sa lahat ng sasabihin mo at gagawin lahat ng gusto mo para lang makita kang MASAYA. Yung taong hindi susuko kahit ilang beses kang mawala nalang at tatanggapin ka ulit ng buong buo kapag bumalik ka. Yung taong mamahalin ka lang. 

February/13/2012 with 7 notes


✓Tooth Fairy
✓Drumline
✓Night at the Museum 2
 Midnight in Paris
 No Strings Attached

Basically, that’s what I did the whole day. Not just for today but maybe forever. Hahaha! :) 

February/12/2012 with 2 notes