![]() Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world. She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥ This blog was born: June 11, 2009 |
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO Family Reblogs Conversations Music & Lyrics |
Jump Shot with Carla and sunod sa galaw ng camera shot with Glaiza! HAHAHA!! :) Natutuwa ako ng sobra. Bawing bawi na yung one year na hindi kami nagkita ni Glaiza dahil buong month of May, halos magkasama kami. Layas dito, layas doon. Kain dito, kain doon. Plus nagkaron pa ng bagong bagong kaibigan. Nameet ko lang sya nung celebration ni Glaiza pero hindi kami nag-uusap. Nakatingin lang ako kay Carla. HAHA! Nahihiya ako e. Tapos nagkausap lang kami sa phone. Pero kahapon, parang ang tagal na namin magkakilala. Close kami agad agad? Hihihi! Saya! :) EKsayting day at EK! :)
Yesterday was a fun, long and super EKsayting day at Enchanted Kingdom with the long lost friend, Glaiza and the new found friend, Carla. We meet at SM Calamba at around 10:30AM and had burger and fries at McDonalds’ for lunch. /end of english text post. Tagalog text posts ahead para mas feel!! :)) …2PM yung open ng EK kaya naghintay pa kami sa labas pero saglit lang. At dahil excited kami, extremes agad yung rides na sinakyan namin. :)
Hindi ko alam pano ko ikukwento yung buong araw namin kahapon pero super saya lang talaga! Hindi ko man lang naramdaman yung gutom sa dami ng hangin na nalunok ko kakasigaw! Hanggang sa pag uwi namin ang taas pa din ng energy dahil hanggang sa van pauwi nagkukwentuhan at nagtatawanan kami. Iba! Isang araw na masaya lang, walang stress, everything is so magical! HAHAHAHA!! :) ‘till next trip. Nature trip naman. BLUROZE! :D Ito na! After ng mahaba at mainit na lakadan, narating din namin ang aming distenasyon. TAYTAY FALLS! :) After ng lamon? Liguan na sa malamig na tubig!!! :)))) Pagdating namin dun sa may sign na “Taytay Falls” ginagawa yung daan kaya hindi makadaan yung jeep namin. May mga tricycle naman na 20 per head ang fare pero sabi kasi nung Nanay ni Pochie kaya daw lakadin. Sabi nung mga driver, malayo daw. Mga 3kms. Pero kuripot kasi. Nagtipid ng bente kaya naglakad kami. Mga bandang 12:30 siguro yun. Lakad lakad hanggang sa super napapagod na kami. Maganda yung daan kaso paahon tapos sobrang init pa kaya sobra din nakakapagod at TAMA ang mga driver. MALAYO TALAGA!!! Nagsisi na ko na hindi ako nagtricycle. Si Tita hindi na din kinaya kaya nung may dumaan na tricycle, sumakay na din. E pagod na ko kaya sumakay na din ako. Yung iba namin kasama, naiwan pa. At sobrang layo pa nung tinakbo ng tricycle bago kami nakarating sa pupuntahan namin. Sobrang pagod talaga!! Pero ang tindi nung mga kasama ko ha. Kasi narating nila yung entrance na lakad lang talaga. Hindi daw sila tinigilan nung driver na sinakyan namin. Yay! I’m too excited for this blog post. Too excited that I cannot construct the right words to say to tell the story and to share our adventure to Taytay Falls! But, I will try my very best to share to you guys our one day adventure. Here it goes. :) I will NOT blog in pure english. EPISTAXIS! :D :p May.7.2012.Monday. Part one palang to. I will divide this blog adventure since ayoko ng masyadong mahabang blog post. :) Glaiza turns Engineer at 21. :)
Videoke + Food + Cake + Chivas Regal + Disco Lights + Awesome Friends +iPhone Pictures + Bonding. Need I say more? :) —— Congrats Glaiza! Engineer ka na at may work ka na! Buti ka pa. Inggit ako. Sobra. Pero super happy din ako para sa’yo. Pero sayang sana engineer na din ako!! Argh. Thank you sa food, sa alak na walang tama at sa cake na yung matatakaw kong kasama ang umuubos. Alam ko naman na miss na miss mo na ako. Hahaha! Halos mag two years yata tayo hindi nagkita. Kamusta naman yun? Kaya gigil na gigil ka sakin nung Monday e. Hahaha :p Thank you ulit! At pahati ako sa sweldo mo :DDD First Grand Alumni Homecoming: Francisco Benitez Memorial School
April 30, 2012. First Grand Alumni Homecoming of our elementary school, Francisco Benitez Memorial School. Hindi na sana ako aattend kasi, biglang hindi makakaattend yung president namin at ako yung maiiwan at hindi ko alam kung paano ko aayusin yung batch namin. Buti nalang nakicooperate naman sila at may isang classmate na din ako na sya na yung nagprepare ng foods namin. Kaya keri na din. So GO na ako. Dumating ako sa school ng 7AM. Ang dami nang tao sa booth ng ibang matatandang batches. Yung samin, kami palang dalawa. Kaya nagtext at tinawagan ko mga batchmates ko. Akala ko super konti namin at wala na pupunta pero namalayan ko nalang nung parade namin na madami na din pala kami. 10AM, parade. Super init na parade. Grabe lang. Pero kahit mainit go pa din kami. Papatalo ba kami sa matatanda samin? :))
Medyo malayo na yung tent namin sa stage. Parang isolated kami dun sa dulo. Haha! Mga batang batch kasi kami. Haha :D After ng parade, kwentuhan tapos naglunch tapos nagrent kami ng videoke at nag inuman hanggang gabi :))
Ilang years bago kami nagkita kita ulit. Matagal. Pero nakakatuwa na kahit madaming taon na hindi kami magkakasama, andun pa din yung bonding. Hindi ko talaga inexpect na ganon kami kadami na aattend. Hindi ko inexpect na maeenjoy ko ng sobra yung reunion. Nakakatuwa. Nakakatuwa na habang nagkukwentuhan kami, fresh pa din yung mga alaala namin nung elementary. Kahit na iba iba kami ng section. Grabe. Andun talaga yung bonding. Walang hiyaan. Walang OP. Iisa kami. :) SALAMAT BATCHMATES! Memory na naman ito. Till next time batchmates! :)) Batchmates.
Akala ko hindi na kami sasama sa Grand Alumni Homecoming ng elementary school namin this coming April 30 kasi April na pero hindi pa kami nagmemeet ng mga kabatch ko. Siguro dahil busy nadin karamihan samin. Pero nabuhayan ako nung nagpost sa group namin sa fb yung president namin at nagtawag ng meeting! :)) And so kanina, nagmeeting kami. 137 yung batch namin pero mga 15 lang yata kami na dumating. Haha! Karamihan pa section lang namin. Yung 10 am na usapan. Syempre naging 11-11:30 :) :D At buti nalang talaga magaling manghakot si Mang Ed ng mga classmates namin noon :) Naglunch muna kami habang naghihintay na dumating pa yung iba. Tapos ayun, start na ng meeting para sa mga t-shirts, food, tent and everything. Pero mas madami pa din yung kwentuhan at balik tanaw. HAHA! Alam nyo yun? Bringing back the memories. Nakakatuwa. Nakakabata ulit na pagkukwentuhan nyo yung mga kalokohan, kakulitan at kung ano ano pang masasayang memories nyo nung elementary. Kokonti pa kami nun ha. What more sa mismong Grand Alumni na? :) After namin maglunch at merienda dun sa meeting place namin, dito naman kami sa bahay para gawin yung mga flyers and design for the shirts. Habang nag vivideoke at habang binanalikan pa din yung mga loveteams at lahat lahat na.
Excited na ako para sa Grand Alumni Homecoming! It’s the FIRST Grand Homecoming ever since naestablish yung school kaya super magiging bongga yun! :)) Hindi na din ako makapaghintay na dumami yung nasa picture! :DD Pasalubong from my best friend na hindi naman umuwi dito sa Pinas. :) Bale si Tita yung umuwi at pinadala nya lang tong mga pasalubong na to sakin. Oh diba? Ang sweet lang nya talaga ng superrr!
She is the sweetest. Everytime na uuwi sya, or may uuwi sa family nya, palagi syang may pasalubong for me. Yun daw kasi gusto nya. Magpasaya ng mga taong mahal nya. Sabi nga sakin ni Tita kanina “Ganon talaga yun, mahilig sa surprises”. Kaya super love na love ko Bru-ha ko na yun. Mukha lang syang mataray pero, nako! Super sweeet! Mamahalin mo talaga :) Thank you Bru! Super super! I love you! See you very soooon. ♡ 02.18.12
Nagpunta kami sa Caliraya-Japanese Garden kahit na niloloko kami ng panahon. Yung super ambon kapag naglalakad kami tapos nawawala kapag sumisilong kami. Kaloka lang. Still, nag enjoy kami. Lahat naman tayo nag uumpisa sa baba papunta sa pinakataas. Madaming pagsubok na pagdadaanan. Madaming hirap na lalampasan. Pero kung hindi ka susuko at lalaban ka para sa mga mahal mo at para sa sarili mo, maaabot mo yung pinakataas ng mga pangarap mo. Estudyante. Bumabagsak sa mga exam. Naiiyak sa mga paperworks. Naloka sa thesis at sa groupmates. Nabwisit sa mga professors. Nakagraduate. Nagreview. Pumasa sa board exam. Hindi pa dyan nagtatapos. Dahil umpisa palang to ng panibagong buhay namin. Umpisa palang para matupad namin yung mga gusto naming magawa. Nakakatuwa na sama sama pa din kami. Nakakatuwa na ngayon palang, may mga maipagmamalaki na kami. :) Congrats sating APAT! Akalain nyo yun? :) |