![]() Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world. She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥ This blog was born: June 11, 2009 |
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO Family Reblogs Conversations Music & Lyrics |
Time Check: 1207AM/April 13,2011
Dedication and Pinning Ceremony na mamaya! :) Eksayted ako? Oo. Di pa ako natutulog kahit na kelangan kong gumising ng 530 ng umaga para mag ayos kasi ang layo ng Batangas at andito ako sa Laguna ngayon. Yehey! Masaya lang ako. At walang paglagyan ang sobrang saya ko. Apat na taon. Ang laking hirap ng magulang ko para mapagtapos ako at maibigay lahat ng gusto ko. Sobrang saya lang. Kasi eto na oh. Makakapagpatapos na sila ng isa. APAT nalang! hahaha! Nakakatuwa na kasama ko sila pareho mamaya. Wala man akong award katulad nung elementary ay hayskul ko. Alam ko na masaya sila dahil may naipama na sila sakin. :) HAHAHA. Thank you Mommy at Daddy/Tatay. Grabe. Naiiyak ako. Hindi sapat na mag thank you lang ako sa lahat ng pagod nyo para makapag aral kami. Para maging ganito ang buhay natin. Madami tayong pinagdaanan pero nanatili kayong magkasama at matatag dahil sa pagmamahal nyo samin. Hindi tayo mayaman. Pero sobrang maipagmamalaki ko na KAYO ang naging magulang ko. NAPAKASWERTE NAMING MAGKAKAPATID dahil kayo yung ibinigay samin ni GOD.
Mommy, I love you po. Sobrang mahal na mahal kita at sobrang thank you po. Sa pag-aalaga sakin. Sa pagbebeybi sakin kahit college na ako. Alam mo yung kapag nagtetext ka na “Bebe, kumain ka na? Wer ka na?” Kinikilig akooo. Hahaha. Kahit na sumpungin ka at mahilig ka mandamay ng inis mo. Sobrang masaya ako na ikaw ang naging Mommy ko. Ang swerte namin. Gumagawa ka ng paraan para maibigay samin mga kelangan at luho namin sa buhay. Kahit na napapagalitan ka na ni Daddy. Thank you po mama! Para sa inyo ni Daddy to.
(Unang picture ni Mr. Fitz!) Daddy, :p Alam ko ata alam mo naman na magka-away talaga tayo. Pero NOON yun. Sobrang saya ko nung nag college ako. Ewan ko. Parang mas naging malapit ako sayo. Kulang ka lang pala talaga sa lambing. Hahaha. Ang arte mo kaseeee. Daddy/Tatay! Salamat. Sa pagising mo ng madaling araw para ihatid kami sa Batangas. Kahit na pagod na pagod ka na. Kahit na hindi naman kami nagsasabi na ihatid mo kami, di mo kami matiis. haha :) Sobrang mahal kita Tatay! :) Idol nga kita e. Ang diskarte mo kasi. Tapos, ewan ko. Mayabang ka. Maligalig ka. Pero nakakatuwa ka din minsan. Lalo kapag nag iisip bata ka na? hahaha :p Hindi ko alam kung pano ako makakabawi sa inyo ni mama sa lahat ng sakripisyo at pagod nyo para makatapos ako. Pero pinapangako ko po, MAKAKABAWI AKO SA INYO at AALAGAAN KO KAYONG DALAWA. :) Kayo ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Mahal na mahal ko po kayo. :) Thank you GOD. :))) |