Shots & Thoughts

REGISTERED NURSE ♡
Everyday life. Photographs. Rants and raves. What she wanna do and where she gonna go. Who's with her and who she love to be with. Whatever random things that comes to her mind. She is no perfect like everybody. But she can be perfectly happy with the smallest things in the world.
She is ONE ORDINARY GIRL who will make her DREAMS INTO REALITY. :) ♥
This blog was born: June 11, 2009
|
Estudyanteng Nars
Puro Mukha KO
Family
Reblogs
Conversations
Music & Lyrics



1/1

Nagsimula ako sa hindi ko siguradong desisyon. Wala akong plano. Hindi ko alam ang gusto ko pero alam ko kung anong ayaw ko. Pero ganon yata talaga. Kung saan at alin ang ayaw mo, dun ka babagsak at wala ka nang magagawa kundi tanggapin at gawin nalang dahil sa mga panahon na yun, wala kang siguradong plano para sa sarili mo at hinayaan mo nalang na iba ang magdesisyon para sayo dahil mas alam nila kung anong makakabuti para sayo. 

Sa una, mahirap. Mahirap naman kasi gawin ang bagay na ayaw mo pero dahil paulit ulit mo nang ginagawa, masasanay ka na din. Hindi mo pa din gusto pero tingin mo kaya mo naman kaya sige nalang. Pero dadating ka pa din sa punto na magtatanong ka sa sarili mo kung bakit nandun ka sa sitwasyon na ayaw mo? Bakit mo ginagawa yung bagay na ayaw mo? Hanggang sa maisip mo nalang na yung bagay na ayaw mo, yun yung magpapasaya sa mga taong nagdesisyon para sayo at walang ibang inisip kundi yung makakabuti para sayo. 

Habang tumatagal, kahit papaano, nagugustuhan mo na din. Hindi mo namamalayan, nag eenjoy ka na din. Mararamdaman mo nalang na mahal mo na ang ginagawa mo at ginagawa mo na yun ngayon hindi para sa ibang tao pero para sa sarili mo. Gagawin mo lahat. Titiisin mo lahat ng pagod, puyat, stress. Pagbubutihin mo dahil ayaw mong mawala pa sayo dahil minahal mo na at pinahahalagahan mo na yung dating ayaw na ayaw mo. Pero hindi pa dun matatapos. Dadating pa din minsan yung pagkakataon na mapapagod ka ng sobra, panghihinaan ka, mawawala lahat ng bagay na magmomotivate sayo, may mga problemang dadating na parang hindi mo na kaya at pagsuko nalang yung alam mong gawin. Pagsuko nalang yung gusto mong gawin. Magtatanong ka na naman sa sarili mo kung gusto mo ba talaga? Kaya mo ba talaga? Papayag ka ba na mabalewala nalang yung lahat ng nagawa mo na? Hahayaan mo bang masayang nalang yung pagmamahal at pagpapahalaga na binigay mo? 

Manghihina ka pero dahil may isang nagmamahal sayo ng bonggang bongga, gagawa Sya ng paraan para hindi ka sumuko. May mga biglang magpapalakas ng loob mo. Marerealize mo na hindi option ang sumuko. Hindi porket pagod ka na, titigil ka na. Andun ka na, malapit ka na, bakit babalik ka sa simula kung mas malapit ka na sa dulo? Kailangan mo lang maging matatag at magtiwala na sa lahat ng pagsubok, HINDI KA NAG-IISA. Mas madami ka pang kayang gawin para makadating sa dulo at matupad lahat ng pangarap mo kesa bumalik sa wala. 

Hindi ba nakakatuwang isipin na pagdating mo sa dulo makikita mo yung resulta ng lahat ng pagod at pagtitiis mo? Hindi ba ang sarap isipin na nakarating ka sa tagumpay at nalampasan mo ang napakaraming problema? Hindi ba nakakatuwang isipin na pagdating mo sa dulo may panghahawakan kang isang bagay na hindi lang makakapagpasaya sa sarili mo pero dobleng/triple pang saya para sa mga taong nagdesisyon at walang ibang inisip kundi yung makakabuti sayo. :’)